Eskwelang Totoo!!!

Ang eskwelang Xavier School ay punong-puno ng pagbabago, kidlat sa bilis ang pagiging moderno nito. Dahil sa makapal na bulsa ng Xavier School at ang makapal na palad ni Fr. Johnny Go, punong puno ito ng mahahalaga at modernong gamit upang gamitin ng mga estudyante dito. Ang larawan na ito ay kinuha sa Xavier School, nakikita dito ang pagkalinis, pag-ayos at pagkamoderno nito. Ang mga locker na ito ay hindi lang nagsisimbolo ng paglalagyan ng gamit kundi ang pagtaga sa bato ng lahat ng mga naranasan na pagsaya at paglungkot sa bawat klase. Dahil din sa pagkalinis at pagka-ayos nito, ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na isip at may magandang hinaharap kasi lahat ay nagiging maayos at matino ang pag-iisip nila. Nakikita dito ang paggiging sukat na bulsa ang Xavier School upang gamitin nang tama ang perang naiipon nila para sa kabutihan din ng bawat bata. Binigyan sila ng sari-sariling lugar upang maymalagyan sila ng gamit at upang mararamdaman din nila ang pagiging bahagi ng Xavier School para sila’y mag bubukas sa mga guro at mga kaklase. Ang larawan na ito ay totoong Xavier School dahil sa kulay at pagkaganda ng kalikasan na ito. Nakikita din ang pagiging mapayapa ang mga estudyante dahil sila ay nakapagpanatili ng maayos ang koridor ng Xavier School. Totoo talaga itong isang maganda, maayos at modernong eskwelahan kaya naging isa sa pinakagaling at modernong eskwelahan sa buong Pilipinas pati na rin ang buong Asya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: