Lahing Galing Ang Mga Pilipino

  Ang Pilipinas ay punong-puno ng mga matatalentadong Pinoy. Sila’y magagaling sa mga iba’t ibang laro, pagkanta, at pagsayaw. Maraming mga masiskat at magagaling na Pinoy sa mundong ito. Parang sina Manny “Pacman” Pacquiao, Mga myembro ng Philippine Azkals, Gloria Diaz, Architect Ramon Antonio, Shamcey Supsup at iba pang magagaling at matatalentadong Pinoy. Ang “Philippine Pride” ay talagang buhay na buhay sa mga puso ng mga Filipino. Kahit saan sila sa mundo, tuloy pa rin ang pag-suporta nila sa mga ito. Ang pag-susuporta ng mga Filipino sa kanilang mga kapwa ay ang nagbibigay ng lakas at determinasyon sa mga icons na ito.

 

            Totoong magagaling at matatalentado ang mga Pinoy at Pinay sa mundong ito. Isa sa mga pinakamagaling na Pinay ay si Lea Salonga. Siya’y pinay na pinay, ang tatay at nanay niya ay buong Pilipino. Ipinanganak siya noong Pebrero 22, 1971 sa Maynila. Siya ay nakilala ng lahat dahil sa galing niyang kumanta at sa mga musikal na sinalian niya. Ang pinakaunang musikal niya ay ang “King and I” ng Repertory Philippines noong siya’y pitong gulang lamang.  Siya ay nakilala naman nang lahat noong siya’y sampung taong gulang. Nakilala siya dahil sa pagkanta niya at ang paglabas ng album niyang ,Small Voice. Marami pa siyang iba’t ibang mga theatre musical na sinalian, kaya siya’y nanalo ng maraming mga awards. Nakapanalo siya ng tatlong beses ng Aliw award para sa batang pinakamagaling mag-acting. Si Lea ay nakilala na ng buong mundo noong siya’y masmalaki na at naging si Kim, ang lead performer ng theatre musical na Miss Saigon. Dahil sa galing niya, siya ay ang unang Filipina na nakapanalo nang iba’t ibang mga awards sa Europa. Katulad ng Olivier award para sa  pinakamagaling na aktress sa musikal(1989-1990), Tony Award, Outer Critics Circle Award at Theatre World Awards (1991). Ito ay ilan lang sa mga nakuha niyang mga awards noong 1989 hanggang 1991. Pagkatapos ng Miss Saigon marami pa siyang ibang sinalian kaya marami din siyang iba pang mga premyo at mga awards. Siya’y natawag pa ng isa sa mga pinakamagandang babae sa mundo noong 1991. Ngayon, siya’y kinasal na at may anak na, ngunit tuloy pa rin ang pagsasali niya sa mga iba’tibang mga dula-dulaan, pagkanta at sa mga theatre musikal. Ang determinasyon at galing ni Lea Salonga ay totoong kaunti lamang at ang paggamit nito ng tama ay nagbigay sa kanya ng isa sa isang milyong kagalingan at espesyalidad.              

              Si Lea Salonga ay walang kahambing sa ibang mga magagaling na aktress ng ibang bansa dahil ang kagalinggan niya ay talagang espesyal. Siya ay nasasabing pinakamagaling na theatre musikal aktress na nang buong Asya. Ang galing niya sa pag akting at ang kanyang boses ay talagang napakaganda kaya siya’y sobrang talentado at gustong-gusto ng mga taga – Europa at mga taga – ibang bansa. Sinabi na ng Time Magazine at ng IMDb na si Lea Salonga ay isa sa mga “Hall of Fame” o isa sa mga pinakamagaling na Theatre Musikal Aktress sa kanyang oras hanggang pa sa ngayon hanggang pa sa katapusan ng oras. Pati na rin ang Disney ay nag sabi na si Lea Salonga ay isa sa mga Legendary at hinding makakalimutan na mang-aawit. Ang galing niya ay talagang hinding makakalimutan ng mga tao. 

               Si Lea Salonga ay isa sa maraming magagaling na Pilipino na nagpapakita ng kanilang kagalinggan. Lahat sila ay nagpapakita ng determinasyon at nag bibigay ng pangalan sa bawat Pilipino upang tumaas ang reputasyon ng Pilipinas. Hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na magpakita ng kanyang galing sa kani-kanilang mga kagalinggan. 

              Ang Pilipinas ay punong-puno ng kagalinggan at ng mga talentadong Pinoy. Maraming magagaling kumanta, sumayaw, mag-aral, humugit at iba pa. Kulang lang sila ng paglantad sa mundong ito dahil marami pang mga Pilipino na kasing galing ni Lea Salonga at iba pang mga icon. Pati na rin ang mga magagandang lugar sa Pilipinas ay napakarami katulad ng Banaue Rice Terrace, Chocolate Hills, Boracay, Paoay Church “The Sinking Church”, Taal Volcano, Mayon Volcano at iba pang magaganda at galing lang sa Pilipinas na mga lugar at kagamitan. Dapat lahat na ito ay ipagmalaki ng bawat Pilipino dahil ito ay espesyal at hinding makikita kung saan man lamang. 

              Ang Pilipinas ay dapat na mabigyan ng pagkakataon na ipakita ang kagandahan at kagalinggan ng mga taong taga-rito. Ang bawat Pilipino samundong ito ay punong-puno ng buhay at kaligayahan. Ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakatalentadong tao sa mundong ito kaya talagang espesyal ang bansang Pinas. Kulang lang talaga nang pagkakataon na ipakita ito. Kaya dapat bigyan na ng opurtunidad ang mga Pilipino na ipakita ang kani-kanilang kagalinggan at talagang magugulat ang lahat. Mabuhay Ang Mga Pilipino!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: