DULA-DULANG WILLIAM

                 Ang dulang William ni Ron Capinding na inilabas ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ay isa sa mga paboritong dula ko. Itong dula ay nakakatuwa at puno ng impormasyon tungkol sa mga sulatin ni William Shakespeare. Ang mga taga-dula ay mga batang nasa ikatlong baitang sa mataas na paaralan. Sila ay sina Richard, TJ, Erwin,  Sophia, Estella, ang kanilang English Teatcher, pati na rin ang mga tatty nila. Pinapagawa ng guro nila ang pagdula sa mga iba’t ibang dulang isinulat ni William Shakespeare. 
               
                  Itong dula ay bagay sa mga estudyanteng nasa mataas na baitang dahil napapakita dito ang pagkatamad, mga nang-aapi  at iba pang mga kaugalihan ng mga estudyante sa araw na ito. Maganda din ito sa kanila, at pati na rin sa mga guro dahil ito ay nakakatuwa at punong-puno ng mga impormasyon tungkol sa mga sulatin ni William Shakespear at kung paanong makapagugnay ang sarili sa mga sulatin niya. Napakita dito ang pagtulungan ng isa’t isa upang magawa at matapos ang pinapagawa ng guro nila. Maraming lumutang na problema sa mga buhay ng mga estudyante ngunit sa hulian ng kwento naayos din ang lahat. Pagkatapos nilang piliin, basahin at intindihin ang mga dula nila, sila ay nakapagugnay sa kanilang mga ipiniling dula.
       
                  Ang dulang ito ay napakaganda dahil hindi lang itong nagtuturo tungkol kay William Shakespear at ang mga sulatin niya kundi kung paano ang mga buhay sa mga matataas na paaralan, pati na rin kung gaanong kaimportante ang pagkakaroon ng mga matatalik, mababait at matutulungin na kaibigan. Napakita dito dahil sa pagbubuti ng kanilang pagkakaibigan, mga nakanakit ng kabarkada o kaibigan ay napatawad din. Dahil sila ay nakapagtawad ng isa’t isa, sila’y nakapagtulungan din sa isa’t isa upang magawa at matapos ang kanilang takda o proyekto na ipinapagawa ng guro nilang sa Ingles.
 
                 Ang tema ng dulang ito ay  ang pagtuturing sa iba ng mabuti at tama ay mahalaga dahil makakatulong din sila sa iyo. Ang paghihingi ng pagtawad sa nasaktan ay importante din upang matatawaran ka ng nasaktan at magiging kaibigan muli kayo. Ipinapakita din sa kwento na mahalaga din ang pagbabasa ng libro at ang pag-unawa dito. Lahat ito’y nakikita sa dula, sa mga buhay ng mga aktor at sa kani-kanilang sariling problema. Naipakita rin dito ang mga pangyayari dulot sa pagagawa ng kamalian at kung paano nilang na ayos muli. Lahat ito’y ipinakita sa dula dahil ito rin ay ang mga problemang lumalabas sa araw na ito. Itong mga problemang inahahayag ng mga aktor ay mga totoong problemang nanaranasan ng mga bibinata ngayon, kaya masasabi ko na ang lahat ay makakapagugnay dito dahil makikita itong mga problema sa mga araw na ito. Ang mga buhay ng mga taga dula ay nagpapakita at nagbibigay ng paglalarawan sa mga buhay at mga gawain ng mga batang nasa mataas na baitang at mga problemang dumudulot sa kanilang pagkatigas ng ulo pati na rin ang pagyayabang sa isa’t isa. 
 
                 Itong dula ay makapagbigay ng insperasyon sa mga bata at mga binata ngayon. Ito’y makakatulong ng madami sa mataas na paaralan, dahil makakapagbigay ito ng kaunting likuran tungkol sa mga usong sulatin ni William Shakespeare. Makakatulong ito sa pag-aaral tungkol kay William Shakespeare at ang kanyang mga tula. Ang dula na ito ay magbibigay ng insperasyon sa mga mata ng kabataan ngayon tungkol kay Shakespeare, kung paano itong lalong intindihin at kung minsan, kung paanong magagamit ito sa kani-kanilang mga buhay. Itong pagkakataon ay minsan lang kaya dapat itong sulitin. Hindi lang itong makakatulong sa sarili ninyo kundi makakatulong din ito sa mga aktor at aktress. Magbibigay ito ng lakas at pag-asa sa kanila dahil sa pagsuporta ninyo. Ito’y makakatulong sa pagbubuti ng PETA theater pati na rin sa mga matrabahuin, masisikap, matiyatiyagang at talentadong Pinoy.
 
                 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: