ISKUL BUKOL!!!

Kumusta na mga kababayan!! Madami na bang mga pagsubok at araling-bahay?? Pagod ka na ba?

Ang pag-aaral ay mahalaga sa paglaki ng isang bata. Laging dapat I-una ang pag-aaral dahil ito ay talagang magagamit kapag malaki ka na. Ito ay ang nagbibigay ng lakas sa isang katauhan at nagbibigay ng espesiyalidad sa tao dahil hindi alam ng lahat ang alam mo. Kahit pagod ka na sa kahit anong ginagawa mo, ipatuloy mo pa rin ang pagaaral at seryosohin mo ito.

Noong ika-una hanggang ika-apat na baitang ako, magaling talaga akong mag-aral, lagi kong sineseryoso ito, dahil matiyaga akong nag-aaral naging 1st at 2nd honor ako, minsan Diligence award pa ang nakukuha ko. Pagdating ko naman sa ika-limang baitang, noong 4th quarter, ako’y nasawa na sa pag-aaral at tinamad na. Hindi na akong kumopya ng mga gawaing bahay at mga kailangang aralin para sa mga pagsubok ng sumusunod na araw. Ako’y talagang tinamad dahil aral nalang ng aral at nawala na ang oras para sa pagpapahinga at oras para sa panonood ng TV . Dahil din sa pagdadami ng mga kailangang gawin, nawala na ang katutuwa tuwing pumapasok sa eskwela, naging kapapagod at katamaran na lamang. Dahil sa lahat na ito, ako’y tuloy-tuluyang bumabagsak at hindi nang nakakakuha ng matataas na marka. Mga sinusulat naman ng mga guro ko para sa mga magulang ko ay ipinupunit ko upang di makita nila.

Summer na, noong lumabas ang aking mga huling marka. Kami ay nasa Estados Unidos, namamasiyal at bumibili ng mga iba’t ibang gamit. Tumawag na ang katulong namin galing Maynila upang sabihin ang mga marka namin. Ang mga kapatid ko ay tuwang tuwa dahil, dalawang kapatid kong babae ay naka-honor, isang kapatid kong lalaki ay muntik magkahonor, isang kapatid kong babae naman ay malayo sa pagkukuha ng honor pero malayo sa pagbabagsak at ang bunso naman ay naka-pasa sa enrollment ng ICA kaya lahat ay tuwang-tuwa. Noong sinabi na ang mga marka ko, at nakita ko ito sa Skype, nakakasakit ito sa puso dahil nakakuha ako ng mabababang mga grado. Ang pinaka mababa ko ay Math, ito ay 79 tapos Cle at Filipino parehong 80 at ang pinakamataas ko ay Science ito ay 89. Masakit talaga noong nakita ko ito, hindi kong akalain ito’y mangyayari, muntik na akong naiyak.

Hindi naman akong pinagalitan ng aking magulang ngunit ako’y kinausap lamang. Sinabi nila na maging masmatiyaga at huwag maging tamad. Sinabi nila na dapat matututo ako sa nang-yari upang hindi muli itong mang-yayari. Ito ay makakatulong sa paglaki ko dahil lahat ng tao ay dapat daw na matututo sa pagkamali niya upang hindi itong mang-yayari muli. Mga kapatid ko naman ay kinausap ako at sinamahan akong sa paglungkot ko. Sila ay tumulong sa akin upang matuwa ulit at kalimutan na ito upang maka-saya kaming lahat sa bakasyon namin.

Sa huli kami ay nagsiyahan sa Estados Unidos at isinulit namin ang oras namin doon. Pag-uwi namin sa Maynila, sinabi ko sa sarili ko na magiging mas matiyaga ako at mag-aaral ako ng masmabuti upang makuha muli ang matataas mga matataas na grado ko. Ako ay sisikap muli at ito’y pagbubutihan ko pa. Ngayon, mga grado ko ay matataas na. Minsan-minsan nakakakuha na ako ng Honor at ng Diligence award. Pinagtiyatiyagaan ko na ang pagaaral at hindi na akong patamad-tamad sa pag-gawa at pagkopya ng mga gawaing bahay at ang mga pag-aaral sa susunod na pagsubok kahit kailan man. Ang oras ko ay binabalanse ko upang makapagbigay ng katamtamang oras sa pag-laro at pag-ensayo sa soccer at maka-bigay din ng katamtamang oras sa pag-aaral pati na rin minsan-minsang maka-paghinga at mag-enjoy lamang.

Mga kababayan sana natutunan ninyo ang kamalian ko at ipatuloy ang pagiging masikap at matiyaga dahil sa katapusan, ito ay para sa kabutihan ninyong lahat. Ipinapahayag ko ang kamalian ko sa inyo dahil ninanasa kong makatuto kayo dito sa karanasan ko. Bilang isang tao, pwede ka laging magkamali ngunit dapat kang matuto sa mga kamalian mo upang hindi itong mang-yayari muli. Ninanais ko na kayo ay magiging mabubuting kababata ng tong nasyon upang ang nasyon na ito ay makakapagakyat ng sarili at magiging masmabuti at mastalentado kaysa sa iba’t ibang mga nasyon sa asya pati na rin sa mga iba’t ibang mga bansa sa mundong ito. Sa mga sumusuporta sa akin, nais ko na rin kayong pasalamatan. Nais ko rin sabihin na Mabuhay Ang Pilipinas at laging magtulungan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: